Kambal Karibal ng BiGuel waging-wagi sa rating

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

HINDI na mapigilan ang pag-ariba ng GMA Telebabad series na Kambal, Karibal na gabi-gabing tinututukan ng mas maraming Pinoy sa bansa.

Patuloy na tumataas ang nakukuha nitong rating sa iba’t ibang panig ng bansa at naungusan na rin nito ang kalabang programa kaya naman super happy ang buong cast and production ng programa.

Sa pamamayagpag nito sa ere, mas marami pa ngayon ang nag-aabang sa magiging kwento nina Crisanta (Bianca Umali), Criselda (Pauline Mendoza) at Cheska (Kyline Alcantara).

Ngayong sumapi na si Criselda kay Cheska, napapansin na nina Geraldine (Carmina Villaroel) at Raymond (Marvin Agustin) na iba ang pagkilos niya. Paano kung makita ni Crisan ang ganitong pagbabago kay Cheska?

Mahalata niya kaya ang kapatid na nasa katawan ni Cheska? Tutukan ang mga susunod na pasabog ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Super Ma’am.

Read more...