Bakit hinding-hindi masisibak sa GMA ang Dear Uge ni Eugene?

EUGENE DOMINGO

HYPERBOLE as it may sound, mawawala ang lahat ng mga programa sa GMA maliban sa Dear Uge, ang weekend show ni Eugene Domingo.

Mula sa isang network insider, ang nasabing palabas ang pinakapaborito ni Atty. Felipe L. Gozon, ang pinuno ng istasyon.

Not only is Dear Uge closest to FLG’s heart, maging ang komedyana raw is his favorite among the Kapuso stars.

Sa katunayan, sa tuwing meron daw magpi-pitch mula sa creative group ng concept para sa mga bagong show, FLG would always be the first to say, “Nagawa na ‘yan sa Dear Uge. Napanood ko na ‘yan sa Dear Uge.”

Yes, FLG—despite a seemingly toxic schedule—finds time na panoorin ang nasabing programa. He takes fancy at its ev ery episode, bagay na hindi lahat ng mga may mataas na katungkulan sa TV network ay nakukuha pang hanapan ng oras.

Sana, mag-spill over rin sa Saturday show ni Uge na Celebrity Bluff ang pagkagiliw ni FLG sa kanya.

June last year when the comedy game show returned on TV, ilang buwan din itong namahinga. Balitang in-extend ang pagsasahimpapawid nito until March this year, and the entire production staff led by its PM (program manager) Mildred Natividad is just too happy about it.

Read more...