Kilalang aktres inatake na naman ng inggit, hindi pumayag na tsugihin agad ang serye


WITHOUT mentioning the show at sa kung saang channel umeere, balitang extended din ang programa na babae ang bida.

A few days ago ay ikinarga pa ng news program ng istasyon ang kuwento tungkol sa isa nitong cast member, ano raw ang mga plano nito sa pagtatapos (finale week) ng nasabing programa.

Kamukat-mukat mo, walang dalawang araw ang lumipas, ibinalitang hindi pa raw magpapaalam sa ere ang show.

While it’s definitely good news para sa mga tauhang bumubuo ng produksiyon, our sense of smell—sharp as it is—wouldn’t betray us.

Mukhang nakiusap (on bended knees?) ang bidang babae roon, a simple case of history repeating itself.
Years ago, nagkaroon din ng show ang bidang babae. Magkasunod umeere ang sa isa pang aktres, pero ang kanya’y balak nang tapusin.

It was apparently much to her consternation. Hindi raw maaaring mangyari ‘yon, referring to her show na mauunang tigbakin sa ere ahead of the other show.

Papayag lang daw siya kung sabay sisibakin ang dalawang show, hers and the other actress’.

Fast forward. May kasabay ring umeereng show ang bidang babae. Kaso, ang bida naman doon is like a bitter pill she’ll never swallow. Lalo siyempreng hindi siya papayag na maunang masibak ang kanyang show over the other, for obvious reasons.

Again, our gut feel: posibleng humingi na naman siya ng mga kundisyones mula sa network. That is, to have her show stay, kundi man gawin itong co-terminus ng isa pang programa.

Oo nga naman, kapag nanaig ang management, it’s clearly telling us something.

Gone are her glory days.

Read more...