Mayon evacuees 70,000 na

Aabot na sa 70,000 katao ang nagsilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Mayon Volcano sa Albay, ayon sa mga otoridad Miyerkules.
Nasa 59,114 katao na ang nasa loob ng mga evacuation center habang 9,058 ang nakikisilong sa mga kaanak at kaibigan, ayon sa tala ng Office of Civil Defense-Bicol, Miyerkules ng hapon.
Sa tala naman ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sinasabing 72,091 katao na ang nagsilikas.
Apektado ng patuloy na pagbuga ng abo at lava ng bulkan, pati na rin ng pagpapalikas ng mga residente, ang 21,479 mag-aaral sa Albay.
Ito’y dahil mayroong 24 paaralang nasa loob ng 6-7 danger zone, at 519 classroom sa 41 paaralan ang ginagamit bilang evacuation center, ayon sa OCD.

Read more...