MRT3 nasira sa ikapitong sunod na araw

MRT

Sa ikapitong sunod na araw, nasira ang tren ng Metro Rail Transit 3.

    Unang nasira ang tren alas-6:01 ng umaga sa Magallanes station north bound.  Nagkaroon ng problema sa kuryente ang motor ng tren.
    “One cause of electrical failure in motor is worn-out electrical sub-components (e.g. insulator, regulator, main chopper),” ayon sa advisory ng Department of Transportation-MRT 3.
    Tinatayang 230 pasahero ang pinababa at nakipagsiksikan sa sumunod na tren na dumating pitong minuto makalipas. Dinala naman sa depot ang tren upang kumpunihin.
    Alas-8:59 ng umaga ng magkaroon ng electrical failure ang isa pang tren sa Guadalupe station southbound.
      Tinatayang 800 pasahero ang pinababa at sumakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang siyam na minuto.
      “One cause of electrical failure in the braking system is defective electrical and braking sub-components (e.g. relay, cable, controller),” saad ng DOTr-MRT3. “Preventive maintenance and replacement of electrical and braking components (must ensure availability of spare parts).”

Read more...