“Tsaka ‘yung sabi ni Frank Drilon na ano — Magtanong siya kung sinong… Senator Drilon, if I talked to somebody urging a case against you sa PDAF, bring that person in my presence and I will resign because you are my friend,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati bago tumulak papuntang India.
Nauna nang idinawit ni Napoles si Drilon sa pork barrel scam matapos umanong bigyan ng P5 milyon.
“Hindi nga ako. Sinabi ko, it is not in my system. It is not in my style na maghabol ng…Ni wala akong pakialam sa kaso ninyo sa Mamasapano. Magdala ka ng tao dito kung sinong inutusan ko ‘yang sa PDAF-PDAF,” ayon pa kay Duterte.
Nahaharap si Napoles sa kasong plunder kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.
“Sabi pa naman ni Napoles, marami pa raw siyang sasabihin. O, nauna na nga ‘yung mga kalaban ninyo. But ikaw kasi kaibigan kita noon pa, so nirerespeto ko ‘yan,” giit ni Duterte.