IBINALIK ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang parangal sa kanya ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) bilang Thomasian Alumni Award for Government Service.
“Kanina lang po nasauli na. Tinanggap po nila. Isinauli ko naman po iyon dahil hindi naman po tayo nanghingi ng award na iyon eh,” sabi ni Uson sa panayam sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) Terminal 2.
Nauna nang binatikos ng mga estudyante ng UST, mga netizen at maging mga alumni ng unibersidad ang ibinigay na pagkilala kay Uson sa harap ng umano’y pasimuno ng mga fake news sa bansa.
“Kaya [ko] lang po tinanggap [yung award] dahil binigay [nila sa akin],” dagdag ni Uson.
Kasabay nito, nanawagan si Uson sa publiko na tigilan na ang pambabatikos sa presidente ng (USTAAI) na si Henry Tenedero.
“Ako na lang po ang i-bully niyo. Ako na lang murahin niyo (Just redirect your bullying at me. Just me you want to curse),” ayon pa kay Uson.