IPINAMALAS ng Arellano University ang tibay at tatag nito sa paglalaro matapos na umahon mula sa bingit ng kabiguan upang ungusan ang Perpetual Help, 22-25, 19-25, 25-21, 25-20 at 15-5, Martes ng hapon upang lumapit sa Final Four spot sa women’s division ng 93rd NCAA volleyball tournament sa Filoil Arena, San Juan City.
Nagtala si Jovielyn Prado ng 20 puntos upang makabawi sa miserableng tatlong puntos lamang na paglalaro sa huli nitong laban habang sina Andrea Marzan at Regine Anne Arocha ay nag-ambag ng 16 at 14 puntos upang tulungan ang Lady Chiefs na masungkit ang ikaanim na panalo at makasiguro ng playoff para sa Final Four berth.
Nakuha ng Arellano ang kabuuan nitong ika-18 diretsong panalo kabilang ang 12 sa nakaraang taon kung saan tinapos nito ang kampanya sa pagwawalis sa San Sebastian sa finals.
Tanging nakahadlang na lamang sa Lady Chiefs sa inaasam nitong pagwawalis sa torneyo ngayon ang San Beda College (5-0), College of St. Benilde (3-2) at San Sebastian College (3-2).
“Of course, we want that because it will give us the advantage. But we need to work hard for it because we’re playing three tough teams,” sabi ni Arellano University head coach Obet Javier. —Angelito Oredo
Lady Chiefs lumapit sa NCAA Final Four
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...