AlDub fan supalpal kay Cacai: Nakakabaliw yan, next time sa braso ko iki-kiss si Alden!


SUPALPAL kay Cacai Bautista ang isang basher na hinihinalang supporter ni Maine Mendoza.

Ipinost ng singer-comedienne sa kanyang Twitter account ang screen shot ng hate message ng netizen.

Pang-ookray nito kay Cacai, “Hoy wala ka karapatan bkit ginaya mo si ate maine bkit ka nagbeso sa kanya ang panget mo walang nyan ka busit ka.”

Ito’y matapos mag-post si Cacai ng litrato nila ni Alden. Sagot ng komedyana sa nasabing basher, “Minsan din talaga eh. Ganito talaga kapag puro sa social media at showbiz umiikot ang buhay ate. Nakakabaliw yan.

“Nakakatawa neleng telege Hayaan mo bes, next time sa braso ko na ikikiss! #brasoNiAlden,” ang pahayag pa ni Cacai.

Bukod dito, nagbigay din ng kanyang saloobin ang singer-actress sa isang post ni DJ Chacha tungkol sa mga kabataang artista na inaatake ng depresyon dahil sa mga panlalait at pambabastos ng kanilang mga bashers.

Reaksyon dito ni Cacai, “Hindi ka pwedeng mag-showbiz kung balat-sibuyas ka. Pero wag sanang kalimutan ng fans na TAO din lang ang mga iniidolo nila. Hindi perpekto at hindi magiging perpekto kahit na gaano kaganda at kahusay.”

Hirit pa ng komedyana sa #buhayshowbiz, “You don’t know how strong we have to be living in this industry. People are so much unaware and uneducated of the dark side. Your Words can literally and figuratively kill.”

Paalala pa niya sa mga fans, “You will never understand How it feels to be an artista if you are not an artista or you are not in the showbiz. What you see, watch and hear is merely and facade of compiled truth and emotions. So if you talk, as if you know everything – you are STUPID.”

Pinayuhan din niya ang mga kabataan, “Ang mabuti pang gawin nyong mga bata, MAG ARAL KAYONG MABUTI. Bawas Bawasan nyo ang social media. MAS MAKAKATULONG sa buhay nyo ang pag aaral at pagtulong sa inyong magulang kesa ibigay nyo ang oras nyo sa FACEBOOK, IG, TWITTER. Di kayo mapapakain nyan.”

Read more...