BiGuel palaban kina Jean, Carmina at Marvin


BAGO at kakaiba sa panlasa ng manonood ang istorya ng primetime series ng GMA na Kambal, Karibal kaya naman it cannot be denied na isa ito sa mga pinakainaabangang programa gabi-gabi.

Ayon sa ilang nakatutok sa KK every night, hindi raw ito predictable kaya naman nagugulat sila sa twists and turns na nagaganap dito. Marami rin ang humahanga sa husay ng mga batang artista kasama na rito na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.

Nakikipagsabayan kasi talaga ang mga bagets sa husay nina Jean Garcia, Carmina Villaroel at Marvin Agustin.

Sa pagpapatuloy ng Kambal, Karibal, inaabangan ng viewers kung malalaman na ba ni Crisan (Bianca) na si Crisel (Pauline) ang kaluluwa na nasa katawan ni Cheska (Kyline) ngayong patuloy ang pagdududa nito kung bakit bumait bigla sa kanya ang dalaga.

Kailangan n’yong abangan ang mga susunod na pasabog ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad dahil siguradong ikagugulat n’yo ito.

Read more...