Marian: Pamilya na ang nabuo namin sa Super Ma’am!

MARIAN RIVERA

BUKOD sa maaaksyong eksena at supernaturally fantastic adventures, hindi maikakailang tinutukan ang primetime series ng GMA Network na Super Ma’am. At ngayong finale week, mas maiinit pang mga tagpo ang dapat abangan.

Ayon sa lead star at kay Super Ma’am mismo na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, masaya siya hindi lang dahil sa magagandang feedback na natanggap ng serye, kundi pati na sa samahang nabuo sa cast.

Aniya, “Siyempre meron akong mixed emotions, na masaya dahil ito ‘yung comeback ko sa primetime, tapos masaya ako sa response ng tao, and thankful ako dahil nabuo yung family namin ng cast dito sa Super Ma’am. Grabe ang bonding namin dito eh, parang magkakapatid na talaga.”

Samantala, labis ang tuwa ni Minerva at ng pamilya niya na malamang ang nawawalang kapatid na si Mabelle ay tunay ngang si Avenir (Kim Domingo). Masaya ang dalawa pero hindi pa rin maalis sa isip ni Minerva ang konting pagdududa na ginagamit pa rin ni Greta (Jackielou Blanco) si Avenir laban sa kanila, lalo na nang maging matanong si Avenir tungkol sa mga sakras.

Ang plano naman ni Greta na pag-isahin ang mga Tamawo at ang Liping Ulupong ay nagiging matagumpay na ngayong gustong ipaghiganti ng snake sisters ang pagkamatay ng mga kapwa nila Amazona. Paano maililigtas ni Super Ma’am ang mga tao mula sa mga gustong sumalakay sa kanila? At mananatili ba si Avenir bilang isang masugid na tagasunod ni Greta, o tuluyan na siyang papanig sa kabutihan?

Samahan si Super Ma’am sa huling linggo nito after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...