Ruru Madrid pinaglaway ang mga beki sa Cebu

RURU MADRID

NAGPAKAWALA ng pampainit na fotos si Ruru Madrid habang nasa isang resort sa Cebu after ng pagdalo niya sa katatapos lang na Sinulog Festival.

Palibhasa’y meron na rin siyang ipagmamalaking “body to die for,” panay ang awra niya sa terrace ng hotel overlooking ang dagat, huh!

Siyempre, naglaway-laway sa hulmadong katawan ng Kapuso actor ang kanyang followers. Eh, sa caption niya sa pic na ‘yon na parang tula, feeling pumapag-ibig na rin ang dating niya.

“For you – Been waiting for a lifetime for ya

“Been breaking for a lifetime for ya

“Wasn’t lookin’ for love ‘till I found you

“For love, ‘til I found you.”

Hula ng followers niya, pahaging sa ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia ang post niyang ‘yon.

Mapapamalas muli ni Ruru ang nararamdaman ng kanyang puso ngayong mas madalas na uli silang magkasama ni Gabbi dahil sa GMA series nilang Sherlock Jr. na mapapanood na next week.

Read more...