Maine natiyempuhan ang Northern Lights

MAINE MENDOZA

NASILIP ni Maine Mendoza sa bintana ng eroplanong sinakyan ang sikat na Northern Lights. Inilabas niya ang picture nito sa kanyang Twitter account.

“Probably the coolest thing I have seen from an airplane window,” tweet ni Meng.

Binigyan niya ng credits sa fotos ang isang nagngangalang Sal ng Philippine Airlines.

Sa pagbabalik sa bansa ni Maine galing sa Toronto, Canada, taas-noo siyang haharap sa ating kababayan dahil sa latest achievement niya.

Gaya nang naglabasang balita, siya ang kauna-unahang Pinoy na kinuha ng isang international brand ng cosmetic para lumikha ng sarili niyang shade ng lipstick.

Samantala, pabalik na rin sa bansa ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards galing sa isang successful show sa Sydney, Australia last Saturday. Pinaligaya niya roon ang ating mga kababayan na matagal nang nasasabik na makita siya nang personal.

“Thank you for the experience Sydney, balik ako ulit. Salamat mga Kapuso,” tweet ni Alden.

Read more...