RAMDAM na ramdam ng kanyang mga katrabaho ang kasungitan ng isang aktres na hindi na bagets pero hindi pa rin naman katandaan. Hindi lang siya palaging nakasimangot, talagang masungit siya, kaya maraming ilag sa kanyang ugali.
Ang palaging katwiran ng aktres ay pagod na pagod na raw kasi siya sa katatrabaho, kulang daw ang katawan niya sa dami ng mga ginagawa niya, kaya madalas siyang parang wala sa tamang mood.
Kuwento ng isang source, “Ang dapat kasi sa mga artistang mukhang kontrabida na ang itsura, e, palambutin ang mukha nila. Ang matapang na mukha, e, hindi na dapat sumisimangot, kasi nga, kontrabida na ang dating ng itsura nila.
“Pero itong si ____ (pangalan ng aktres na simangutera), talagang ‘yun na siya, e! Palaging nakasimangot, para siyang nakakaamoy ng kung anong mabantot, e, kontrabida na nga ang itsura niya!” kuwento ng aming impormante.
Impernes, mahirap naman kasi ang papel na ginagampanan niya sa serye, maaksiyon at punumpuno ng mga eksenang kailangan talaga niyang makipaglaban.
Patuloy ng aming source, “E, alam niya na ang role niya, palagi siyang kalaban ng bida, kaya ang pinakatama niyang magagawa, e, pagaanin ang buhay niya.
“Kaso, kapag break nila sa set, e, hindi pa rin humihiwalay ang katauhan niya sa role niya bilang kontrabida, wala siyang ka-PR-PR, may sarili siyang mundo!
“Binabati na nga siya ng mga katrabaho niya, pero parang wala siyang nakikita, kaya nu’ng mga sumunod na pagkakataon, e, hindi na lang siya binabati dahil mahilig siyang mangdedma!
“Ang tagal-tagal na niyang nag-aartista, nakailang network na ba siya, pero pare-pareho ang sinasabi ng mga nakakatrabaho niya. Maldita siya, masungit, mahirap pakibagayan.
“Naku, kailangan niya na talagang magbago dahil marami nang umiiwas sa kanya, aloof na sa kanya ang marami, kasi nga, ang sungit-sungit niya!
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi naman yayamaning pamilya ang pinagmulan niya, hindi naman siya anak ng king na hindi puwedeng biruin, pero masungit talaga ang girl na ito!” pagtatapos ng aming source.