Ayon sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, 15.9 porsyento o 3.6 milyong pamilya ang nagsabi na wala silang makain sa nakaraang tatlong buwan (12.2 porsyento ang nakaranas ng minsan lamang o mga ilang beses na walang makain at 3.7 porsyentong madalas o palagi).
Mas mataas ito sa 11.8 porsyento o 2.7 milyong pamilya na nagsabi na naranasan nila na walang makain sa survey noong Setyembre.
Ang naitala noong Disyembre ang pinakamataas na rekord mula ng umupo ang Duterte government. Ang pinakamababa ay sa survey noong Hunyo 2017 kung saan 9.5 porsyento lamang ang nakaranas na walang makain sa nakaraang tatlong buwan.
Pinakamarami ang nagsabi na nakaranas na walang makain sa Luzon hindi kasali ang National Capital Region na naitala sa 17.7 porsyento mas mataas sa 13.8 porsyento sa naunang survey.
Sumunod ang Mindanao na naitala sa 15.3 porsyento na malayo sa 9.7 porsyento na naitala sa survey noong Setyembre.
Sa NCR ay naitala ang 14.7 porsyento mas mataas sa 11.7 porsyento noong Setyembre at Visayas na 13.3 porsyento (mula sa 9.7 porsyento).
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents.
Walang makain dumami-SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...