ITINAAS na ng Philippine Volcanology and Seismology ang alert level 4 sa bulkang Mayon makaraang makapagtala ng ‘hazardous eruption’ Lunes ng umaga.
Muli itong naglabas ng mataas at makakapal na abo ang bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, alas 10:22 ng umaga, nagkaroon ng ‘degassing event’ sa bulkan o mahinang paglabas ng gas at mga abo mula sa bunganga nito.
Mula sa nasabing oras, nagtuluy-tuloy ang pagbubuga ng makapal at mataas na usok sa bulkan at umabot sa 10 kilometero ang taas ng ash column.
“Mayon Volcano in Albay province has been exhibiting increased seismic unrest, lava fountaining and summit explosions,” saad ng Phivolcs.
Pinalawak din ng Phivolcs ang danger zone sa walong kilometro mula sa anim na kilometro ng itaas ang Alert Level 3 (increased tendency to hazardous eruption).
“The public is strongly advised to be vigilant and desist from entering this danger zone,” saad ng Phivolcs.
“ Civil aviation authorities must also advise pilots to avoid flying close to the volcano’s summit as ash from eruptions can be hazardous to aircraft.”
Samantala, sinuspinde ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang klase sa Albay sa lahat ng antas matapos ang pagsabog.
Sa isang pahayag sa kanyang Facebook, pinayuhan ni Bichara ang lahat ng residente ng Albay, partikular sa ikatlong distrito na manatili sa loob sa harap ng nangyayaring aktibidad ng Mayon.
MOST READ
LATEST STORIES