Paano pipigilan ang ubo?


BUKOD sa kung paano maiibsan ang pag-ubo, mas mabisang malaman din kung paano pipigilan magkaubo.  Sabi nga nila, prevention is better than cure.   Kaya narito ang ilang hakbang para di madapaun ng ubo at para di na rin mauwi sa flu o trangkaso ito. Maliban sa magpa-flu shot kada taon, narito ang ilang paraan para iwas-ubo:

Iwasan na magkaroon ng kontak sa iba kung ikaw ay may sakit.  Kung alam mong may sakit ka, huwag nang pumasok sa eskwela o trabaho para hindi ka na makahawa sa iba.

Takpan ang ilong at bibig kung uubo o babahing.

Uminon ng maraming tubig para mapanatiling hydrated ang katawan.

Laging linisin ang common areas ng inyong bahay, trabaho, o silid-aralan. Panatilihin malinis ang lababo, laruan at maging ang iyong mga gadget.

Magahugas parati ng mga kamay, lalo na pag natapos umubo, kumain, gumamit ng palikuran, o nagaalaga ng may sakit.

Sa may mga allergies, makakaiwas sa flare-ups kapag na-identify ang mga allergens na nagti-trigger ng iyong pag-ubo. Ilang sa mga common allergens ay ang puno, pollen, dust mites, animal fur, mold at mga insekto.

Read more...