“Please, tigilan n’yo na si Daniel! Hindi niya niloloko si Kathryn!’

 

NAGHULAAN ang KathNiel fans kung ano ang mangyayari sa Tristan character ni Daniel Padilla sa La Luna Sangre.

“I think hindi talaga KAKAMPI ni TRISTAN si SANDRINO, kahit isa ng ganap na  na VAMPIRE si  TRISTAN kasi parang nagpapanggap lang sya na kakampi si Sandrino. At bigla na lang maaalala ni Tristan lahat ng kahayupang ginawa ni Sandrino sa kanila at mga pinagsamahan nila ni Malia,” one fan observed.

It sat well naman sa iba pang KathNie fans.

“Tama kasi maaalala ni Tristan lahat ng kasamaan ni Sandrino, kaya sure akong pinasasakay lang siya ni Tristan,” sagot naman ng isang pang fan.

“Yun din iniisip ko pero parang hindi kumpleto ang episode kung ganon!” one fan said.

Whatever! Waging-wagi pa rin sa ratings ang La Luna Sangre na nakakuha ng 31.7 sa #LSSNEWMoon episode nito.

Anyway, nakiusap naman ang ilang fans ni Daniel na tigilan na ang pamba-bash sa binata na may connect sa isang female fan na nagpa-picture sa kanya recently.

Wala raw nagtataksil at walang nanloloko. Loyal pa rin daw ang binata kay Kath kaya tama na ang panghuhusga sa loyalty ni DJ.
Read more...