LESSON learned na sa ilang producers na hindi pa kaya ng kilalang loveteam na magdala ng sarili nilang project, sa pelikula man o teleserye.
Patunay dito ang hindi naman kalakihan ng kita ng ginawa nilang movie at ang mababang rating ng kanilang teleserye.
Narinig namin sa isang kilalang writer-director at producer na nakikipag-meeting sa isang coffee shop na may gagawin silang pelikula at pinag-iisipan pa kung sinong loveteam ang kukunin nilang bida.
Kaagad na nagsalita ang producer ng, “Ay ‘wag na sina _______ (kilalang love team) hindi babalik ang production cost, mahina rin ang show nila. Kaya nga kami nina ______ (pangalan ng ibang producers) nag-usap kami na huwag na silang kunin.”
Ang nabanggit na loveteam ay may chemistry naman at bagay naman, marami rin silang fans, pero ang feeling namin screaming fans lang ang mga ito dahil hindi naman sila nararamdaman sa box-office.
At para raw kumita ang pelikula ng kilalang loveteam ay kailangang pawang sikat at mahuhusay ang support nila sa project.
“Alam mo kung bakit, parang kulang sa emosyon kasi si girl kaysa kay boy. May hugot sa acting si boy, si girl wala at parang tulala lagi,”sabi ng writer-director sa kausap nitong producer.
At heto pa, mukhang may mga sikat na artistang ayaw ding makatrabaho ang magka-loveteam na ito dahil may attitude na raw lalo na kapag pagod na sila.
“Hindi lang ‘yun, inis din sila kapag nasasapawan sila sa eksena. Ayaw nila ng ganyan dapat sa kanila lang naka-focus ang story or else magpa-pack up sila ng taping,” sabi ng writer-director.
Nanlalaki ang mga matang sabi naman ng producer, “Talaga, ganu’n sila? Kaya nilang gawin ‘yun? E, puro malalaking artista kasama nila sa show? Anong sabi sa production?”
“Wala, spoiled sila, eh,” kaswal lang na sagot ng writer-director. Speechless ang producer, “Okay ayoko na sa kanila.”