SHUTTLINGg from It’s Showtime at Asintado si Ryle Santiago, making him a busy Kapamilya star lalo pa’t siya ang newest celebrity ambassador ng Cherub baby products ng Megasoft Hygienic Inc..
“I come in the show as much as possible. Pero mula nang pumasok ang taping ko, Monday, Wednesday, Friday and Saturday nasa Showtime po ako. Kung may Asintado at kung puwede namang mag-Showtime first, mag-Showtime ako. Kung hindi puwede I’ll go to Asintado. As long as libre, di ko pababayaan ang Showtime,” say ni Ryle who was given a solo presscon by Aileen Choi-Go.
Hindi ikinaila ni Ryle na Mama’s boy siya, “Oo naman. Hindi naman ako daddy’s boy lang, mama’s boy din ako. Sa kuwarto nila ako natutulog. Pinapaalis na nga po nila ako. Okay lang ako na bine-baby ako. Family is one thing that is constant na kahit kailan ay hindi mawawala.”
Wala namang nakikitang problema si Ryle kapag meron siyang ipakikilalang girlfriend kasi, “Mabait ang Mama ko, eh.”
“Hindi siya nang-aaway ng babae. Very accommodating siya. Ayaw niya kasi ma-feel ng kung sinuman na hindi sila welcome. Wala namang basehan para mag-judge siya ng mali.”