Agot Isidro ikinumpara ni Sandino Martin sa mga bampira

BAMPIRA ang tawag ng theater/film actor na si Sandino Martin sa kanyang leading lady sa “Changing Partners” na si Agot Isidro. Golden girl na kasi si Agot and yet, mukhang 30 years old pa rin ito.

“Hindi siya tumatanda, parang bampira,” seryosong sabi ni Sandino kay Agot who joined our table for a one-one-interview sa presscon ng “Changing Partners” directed by Dan Villegas na ipalalabas sa Jan. 31.

Agot and Sandino will play the characters on the said musical film as Alex and Chris na live-in couple sa kabila ng kanilang 15 years age gap. But in real life, halos doble ng edad ni Sandino (26) ang tanda ni Agot sa kanya.

We asked Agot kung bakit siya pumayag na makipag-love scenes with Sandino sa “Changing Partners.”

May tatak kasi siya sa industrya na may pagkakonserbatibo sa mga ganitong uri ng eksena. “Fifty na ako,” sabay ng malakas niyang tawa.

Hindi kasi niya makagawa ng love scenes sa pelikula nu’ng bata-bata siya dahil may mga pumapalag, “Ngayon, wala nang pumapalag! Actually, it feels better kasi I’m now free in terms of expressing myself ‘di ba, (my) artist side.”

Knows naman sa showbiz ang lovelife ni Agot hanggang sa mag-asawa siya. And for a couple of years now, single na ulit ang singer-actress.

May nagtanong kay Agot kung open ba siya sa ideya na ma-in-love with younger men, someone like Sandino,    “Depende, ‘yung mga 30 something, hindi ko na keri! Hindi ko na keri ‘yun,” ngiti niya.

Anyway, “Changing Partners” is based on a PETA musical play of the same title created by Vincent de Jesus at naging top box-office attraction during the 2017 Cinema One Originals Film Festival bukod pa sa paghakot nito ng awards.

Na-gets ng “Changing Partners” sa Cinema One filmfest ang Best Director for Dan Villegas, Best Actress para kay Agot, Best Editing, Best Music, Special Citation For Ensmeble Acting, Audience Choice Award at Champion Bughaw Award for Best Film.

q q q

Napakalaking break para sa baguhang si Claire Ruiz ang ginampanan  niyang role sa nakaraang episode ng Asia’s longest drama-anthology show na Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN. And in fairness, naitawid naman ng dalaga ang napaka-challenging na role bilang si Abegail.

Nalulong sa bisyo at nasadlak sa mundo ng cybersex pagkatapos ng sunud-sunod na kalbaryo sa buhay ang role na binigyang-buhay ni Claire sa programa ni Charo Santos. Sa ipinakitang akting ni Claire sa MMK last Saturday, hindi na kami magtataka kung mabigyan pa siya ng mas maraming mapaghamong proyekto this year.

Nakasama rin niya rito sina Kristine Garcia, Simon Ibarra, Dominic Roque, Mara Lopez, Jon Lucas, Mutya Orquia, JB Agustin, Prince Stefan, Kim Molina, Nikki Gonzales, Ali Khatibi at Tom Doromal. Ito’y idinirek ni Dado Lumibao, sa panulat ni Benson Logronio.

 

Read more...