Joross ibinuking ang plano nina Matteo at Sarah G. ngayong 2018; kasalan na nga ba?

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

DID Joross Gamboa drop hints na may mangyayaring very special event kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ngayong taon?

Sa kanya kasing latest Instagram picture ay kasama niya ang couple sa isang photo with this message: “I love this couple…I know something great will happen to these 2 this 2018. God is Good!”

Nang tingnan namin ang IG account niya, parang nawala na ang photo na iyon. Hindi namin alam kung sinadya niyang binura iyon or may nag-utos na i-delete niya iyon.

“Alam ba ‘yan ni Mommy Divine? Pero honestly, Matteo deserves Sarah G! Talagang ipinaglaban niya ang babaeng pinakamamahal niya. They’re perfect together!” said one netizen.

“Engagement soon? Hahahaha!” one fan of the couple claimed.

“So announcement na ba ito ng engagement? Well, they deserve to be happy and seems like mahal na mahal naman talaga nila ang isa’t isa so, gogogog!”

Actually, ‘yan din ang hula namin. Parang may proposal na mangyayari this year between Sarah and Matteo.

“Naku, kapag nangyari ‘yon ay marami tiyak na matutuwang fans ng dalawa. Matagal na nilang wini-wish na mauwi na sa kasal ang relasyon nila, ‘no!

Anyway, marami palang celebrity friends itong si Joross. Nakita namin ang IG video niya kung saan naglakad sa Tomas Morato ang actor kasama sina Angelica Panganiban na kasama niya sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, Glaiza de Castro, JM de Guzman, Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco at Janus del Prado.

“If you wanna walk fast, walk alone. If you wanna walk far, walk together. If you wanna walk and enjoy life, walk with us! #friendsforever #rightfriends #friendsforlife,” caption ni Joross sa IG video niya.

Read more...