Janella, Elmo pampa-good vibes sa US, Japan, Australia, Dubai

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

UMI-INTERNATIONAL din ang pag-trend sa Twitter ng full trailer ng upcoming movie ng Regal na “My Fairy Tail Love Story.”

Sanib-pwersa ang fans nina Janella Salvador at Elmo Magalona upang makuha nito ang top spot sa trending topics sa Twitter hindi lang sa bansa kungdi sa ilang bansa rin.

Bukod sa Twitter PH, super-trending din ito sa USA, Dubai, Japan, Taiwan, Australia, Malaysia, Hong Kong at Spain.

Nag-schedule na rin ng ilang grupo ng fans ng magka-loveteam ng block screenings and as of prestime ay aabot na sa 20 ang napa-schedule nila. After ng trailer, ang isusunod na ilo-launch ay ang digital release ng theme song nito na “Be My Fairy Tail” sa Spotify at iTunes.

Ang “My Fairy Tail Love Story” ang Valentine offering ng Regal sa Feb. 14. Mula ito sa direksyon ni Perci Intalan.

Read more...