Nadine may scoliosis at inverted cervical curve: Super sakit siya!

WALANG katotohanan ang kumakalat na balita na hindi na matutuloy ang bagong pelikula nina Nadine Lustre at James Reid, ang “Never Not Love Me” under Viva Films.

Nag-ugat ang nasabing chika matapos magpahayag ng kanyang sama ng loob at disappoinment ang kanilang direktor na si Antoinette Jadaone dahil sa ilang beses nang pagkakansela ng kanilang shooting.

Ayon kay Nadine, tuloy na tuloy pa rin ang nasabing proyekto, kasabay ng kanyang pag-amin na isa siya sa naging dahilan kung bakit na-pack up ang shooting nila kamakailan.

“I guess kasi the shoot has been pushed back, lalo na lately. Last week, nu’ng weekend before that, I was getting sick, fever, headache and then body pain and later we found out that I had an inverted cervical curve, it means my neck instead of going out, it goes in.

“And then I have scoliosis also which causes the headache and the fever, lahat. Super sakit siya,” mahabang paliwanag ni Nadine.

Wala namang depensa si James sa kumalat na chika na lasing at may hangover siya kaya nakasenla ang huling shooting nila para sa “Never Not Love Me” na siyang rason daw kaya napikon na si Direk Antoinette at napilitan nang mag-post ng kanyang saloobin sa blog.

Himutok ng blockbuster director, “More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.”

q q q

Walang isyu si direk Dan Villegas sa mga artistang naglalasing – pero may payo siya sa mga ito para hindi maapektuhan ang kanilang trabaho.

Sa nakaraang presscon ng critically-acclaimed musical film na “Changing Partners”, nagsalita si direk Dan tungkol sa blog post ng kanyang girlfriend na si direk Antoinette Jadaone.

“Ang hirap, e, what do I say? Wala. Sabi ko, I support Tonet. At the end of the day, right niyang mapikon, di ba? Kung ako din ang direktor niyan, baka…I don’t angst on social media. Magkaiba kami ng way to release stress, pero nawala yung buwelo ng director,” sey ni Direk Dan.

Pagpapatuloy pa ng direktor at co-producer ng bagong pelikula ng JaDine na ilang beses na ngang nakakansel ang shooting, “Alam ko si Nadine yung may sakit nu’ng huli. Maraming reason, eh. Yung isa actually na-pack-up kami because of location. Tapos may mga conflict sa schedules.

“Ako, as a director nakakapikon talaga siya. Hindi n’yo maiaalis sa kanya yon. Kahit sino pang director yan, na nakuha mo na yung groove mo biglang napa-pack-up ka, nakakainis talaga yung feeling na ‘yon,” aniya pa.

Ano naman ang masasabi niya sa chika na may hangover si James kaya hindi ito nakasipot sa shooting, “I don’t know kung totoo ‘yang balitang ‘yan. Pero ang sa akin, generally speaking, kung nagpakalasing ka the night before, pumarty ka, the next day dumating ka, mag-work ka, mag-deliver ka.

“I’m not even saying being an actor ha, kahit being camera man or production design yan. I don’t care about your life outside, di ba? Trabaho ito at the end of the day, but you deliver. Gusto ko man kayong bigyan ng magandang ano, pero kasi ayokong mag-judge,” sabi pa ni direk.

Tungkol naman sa mga tsismis na nagiging unprofessional na raw ang JaDine, “Ang hirap magsalita, e.

Ako kasi, fair din akong tao, ayoko ring sabihin na, ‘Oh, nabalita na lasing ka daw ia-assume ko na lasing ka talaga? Naka-work ko na naman sila before, personally sa OTWOL (On The Wings Of Love) nu’ng nag-sub ako kay Tonet, so mag-usap tayo, ano ba?

“Sa lahat naman ng artista, merong negative publicity, kahit sino pa yan, kahit sabihin ko na, ‘Ako, naka-work ko si ganitong artista at mababait sila.’ So, it really depends on ano, eh, experience of the person,” ani Direk.

Samantala, umaasa naman ang direktor na susuportahan muli ng madlang pipol ang pelikula nilang “Changing Partners” na humakot ng award sa 2017 Cinema One Originals Film Festival. Muli itong ipalalabas sa mga sinehan dahil nga nais ng Star Cinema na mas maraming Pinoy ang makapanood nito.

Ang “Changing Partners” ay isang kakaibang LGBT film na pinagbibidahan na pinagbibidahan nina Agot Isidro na tinanghal na Best Actress sa Cinema One Originals filmfest, Jojit Lorenzo na nagwagi namang Best Actor, Sandino Martin at Anna Luna. Nanalo rin si Dan Villegas dito bilang Best Director.

Showing na ang “Changing Partners” sa Jan. 31 natiowide.

Read more...