Ryle Santiago napagsasabay ang pag-aaral at showbiz


BENTAHE ang pagiging mapagmahal sa edukasyon ni Ryle Santiago para sa advocacy ng MegaSoft na magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante sa buong bansa.

Kahit kasi maraming trabaho sa showbiz, patuloy pa rin siyang nag-aaral sa Meridian International School para sa kanyang film course.

Kaya naman si Ryle ang kinuhang brand ambassador ng Mega Soft para sa produkto nitong Cherub Baby Care. Ayon kay Aileen Go ng Mega Soft, swak na swak ang anak ng aktres na si Sherilyn Reyes sa bagong segment ng on-going school tour ng produkto, ang “Earn Ganern.”

“We want to stimulate the student’s creative and entrepreneurial minds, inspired them to pursue whichever business idea they have now in the future, It’s a way of providing them an option on how ro earn for themselves and their families,” pahayag ni Aileen sa press launch ni Ryle.

“I am very thankful for all the blessings. I’ll work even harder to have more projects and finish my studies,” saad naman ng binata sa bagong endorsement na dumating sa kanya.

Read more...