Regine may hamon kay Kris Bernal sa Sarap Diva


MAKIKI-HANGOUT ang Kapuso Drama Princess na si Kris Bernal at ang dalawa sa cutest child stars ng GMA 7 na sina Chlaui at David Remo sa isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva ngayong umaga.

Abangan kung anu-ano ag mga sorpresang inihanada ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa kanyang mga bisita.

Makiki-join din ang kwelang alagang aso ni Regine na si Al-Ben Richards Patterson! Tamang-tama ito sa nalalapit na pagpasok ng Year of the Dog!

Alamin kung anu-ano ba ang mga dapat gawin para swertehin at makaiwas sa malas ngayong 2018.
May exciting na hamon din si Songbird! Ang 11-year old champion speed stacker versus Kris Bernal kasama si Chlaui sa isang Gooey Cup Challenge.

Para sa pananghalian- sagot na ni Chef Jackie Ang-Po ang Buffalo Meatballs na pwede n’yon i-try sa inyong kusina para sa anumang okasyon.

Masayang bonding moment na naman ang mae-experience n’yo ngayong Saturday morning sa Sarap Diva after Maynila sa GMA 7!

Read more...