Hindi kabawasan sa pagkalalaki ni Alden ang ‘gaga’

ALDEN RICHARDS

BAHAGI naman talaga ng showbiz linggo ang paggamit ng salitang “gaga” either as expression or pagtawag bilang pangalan, o reaksyon sa isang usapan. Sa showbiz, mas kino-consider na “expression” lang yun.

Nakapagtataka lang na ginawa pa itong big deal ng ilang netizens nang masambit ni Alden Richards sa isang video greeting para sa isang fan, na akala mo’y nakagawa na ng krimen ang binata.

Nag-viral ang sinabi raw ng aktor na “Gaga, narinig ka,” sa nasabing video kaya kung anu-ano na namang masasakit at mahahalay na salita ang ibinato sa mabait at magaling na Kapuso heartthrob.

Wala kaming nakikitang masama o offensive sa nasabi ni Alden, mas naniniwala kami na hindi kabawasan sa pagkalalaki ng aktor ang pagsasabi niya ng “gaga”.

Read more...