Mark Neumann walang paki kung ‘extra’ lang sa La Luna


POSITIBO ang pananaw sa buhay ng tisoy na aktor na si Mark Neumann. Nu’n kapapasok pa lang niya sa nananagasa ng rating na La Luna Sangre ay may mga nagtataka-nagtatanong kung bakit niya tinanggap ang palabas.

Para lang kasi siyang pang-display, wala halos siyang linyang binibitiwan sa serye bilang miyembro ng moonchasers, samantalang nagbida na siya sa seryeng Baker King ng TV5.

Ang kanyang sagot, “Okey lang po sa akin ang walang lines. What’s important is I have work. ‘Yun ang mahalaga sa akin. It doesn’t matter kung bida na ako nu’n, we’re talking about now.”

Pero pagkatapos lang nang ilang episodes ay pinagkatiwalaan na siya ng produksiyon, meron na siyang mga dialogues, at mahahaba pa nga.

Tama ang kanyang katwiran na ang importante ay meron siyang trabaho, meron siyang pinagkakaabalahan, hindi nababalagoong ang kanyang talento at career.

Napapanood namin ngayon si Mark Neumann sa La Luna Sangre, maganda na ang kanyang exposure, may mga linya na siyang binibitiwan na mahalaga sa ikot ng kuwento.

Sabi nga ng kanyang manager na si Gio Medina, “Gusto kong mapagdaanan niya ang ganyan. Kailangang pinaghihirapan ang bawat bagay. At ang nakakatuwa naman kay Mark, hindi siya mainipin, wala siyang reklamo, basta ginagawa niya ang dapat niyang gawin.

“Very positive siya. He loves his job at ‘yun naman ang pinakamahaga,” nakangiting pahayag ng manager ng guwapong si Mark Neumann.

Read more...