Agot pumayag makipag-sex sa bagets sa ‘Changing Partners’

AGOT ISIDRO

MAY love scene si Sandino Martin kay Agot Isidro sa movie na “Changing Partners”.

Hindi na bago ang love scene kay Sandino having done many scenes like that before. Naghubad nga siya nang todo sa “Esprit de Corps.”

“May mga gagawin ako sa iyo (Agot) na baka ma-violate ka. Sabi niya, ‘just do it.’ And I’m very lucky na pinagkatiwalaan niya ako. At inalagaan ko rin naman siya, hindi ko siya binastos,” say ni Sandino.
Aminado naman si Sandino na may girlfriend siya ngayon.

“Oo, may GF na po ako. May age gap nang konti,” he related.

“Hindi po siya taga-showbiz. Mahirap po kapag parehong artist,” dagdag pa niya.

Very inspiring ang buhay ni Sandino. He wanted to take up Journalism in college sa UP pero dahil quota course ito ay Theater Arts na lang ang kinuha niya. To earn his keep, nag-theater siya and then kapag may naipon na siya ay nag-aaral siya.

Until he was discovered for indie films. He initially appeared in “Unfriend”, then in “Esprit de Corps”, then “Oro” and “Ang Larawan.”

Read more...