Ito’y matapos ipatawag ni Duterte ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport matapos naman ang reklamo ng mag-asawa na nanakawan ang kanilang bagahe matapos silang lumapag sa airport sa Pampanga.
“Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” sabi ni Duterte.
Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang mga opisyal ng airport na humingi ng sorry sa mga biktima ng pagnanakaw.
“The next time, if it happens, I will fire you. Sigurado ‘yan. Basta may nangyari pa ulit na maski nakawan o ano, I will fire you,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi naman ni Clark International Airport Corp. Acting President Alexander Cauguiran na nakasuhan na ang apat na empleyado na sangkot sa pagnanakaw.
“Ang MIASCOR po at naatasan natin mag-conduct ng investigation dahil alam natin na empleyado nila ang nakakakita lang sa bagahe. So madali pong napaamin. Inamin naman nila sa imbestigasyon. So kinabukasan, nag-file po kami ng — pina-terminate na namin po at at the same time, pina-demanda,” sabi ni Cauguiran.
Idinagdag ni Cauguiran na binayaran na rin ang mga biktima.