Mahigit 1K pasahero pinababa matapos magkaaberya muli ang MRT-3

MRT

PINABABA ang mahigit 1,000 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) matapos muling magkaaberya ang isa sa mga tren nito kaninang umaga.

Sa isang advisory, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na pinababa ang mga pasahero sa southbound ng Ortigas Station ganap na alas-9:37 ng umaga matapos na makaranas ang tren ng “ATP or signaling error which could have been caused by defective or worn out ATP/Signaling sub-components (e.g. ATP sensor) or tacho shaft malfunction.”

Isinakay ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang limang minuto.

Read more...