SAP Bong Go dadalo sa pagdinig ng Senado

NANGAKO si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na dadalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng alegasyon na nakialam siya sa P15.7 bilyong proyekto ng Department of National Defense (DND) para sa warship ng Philippine Navy.

 “Oo dadalo ako!” sabi ni Go.

Nauna nang sinabi ni Go na nakahanda siyang magbitiw kapag napatunayang nakialam nga siya sa kontrata.

Batay sa ulat, nakisali umano si  Go sa pagpili ng Navy sa weapons system ng  frigate project ng gobyerno.

Read more...