Tinitiyak pa ng mga awtoridad kung sinong nasa likod ng mga pagpapasabog, pero naniniwala ang militar na sangkot ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters’ (BIFF), sabi ni Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division.
Naganap ang unang pagsabog dakong alas-6:35, sa main road ng SPDA Village, Brgy. Semba, ani Encinas.
Dakong alas-6:45, isa pang pagsabog ang naganap 15 metro lng mula sa pinangyarihan ng una.
“Based on initial reports, command-detonated ‘yung IEDs. They may have been triggered via some sort of remote device, kasi walang nakitang wires,” ani Encinas.
Posible aniyang itinanim ng mga kasapi ng BIFF ang mga bomba upang i-target ang mga kawal sa bayan, o manakot ng mga residente.
“The motive is to sow terror, targetting security forces as part of the divertionary [tactics] and retaliation of the BIFF,” aniya.
Sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, matatagpuan ang Camp Siongco, ang headquarters ng 6th ID.
Ang naturang Army division ang namamahala sa mga kawal na lumalaban sa BIFF sa Maguindanao, North Cotabato, at iba pang kalapit na lugar.
MOST READ
LATEST STORIES