Sino ang tunay na kaibigan?

DEAR Ateng Beth,

Lima po kaming magkakaibigan, mga 15 years or so na po. Merong mga times na hindi kami nagkakasundo, pero in the end bati-bati rin naman. Ang kaso isa ron sa limang magkakaibigan ay di na yata magbabago ang ugali. Siya lagi yung cause ng di pagkakaintindihan sa barkada, siya lagi yung pasaway at palagi na lang bearer ng bad news.

Minsan hindi na namin siya sinasali sa mga lakad namin, kasi nga nega.

Ngayon po kung ano-anong mga sinassabi niya,sinisiraan kami sa iba pa naming mga kakilala.
Ano bang dapat namin gawin sa kanya? May pagkukulang ba kami sa kanya?

Janette

Hello Janette,

Anong bago run?! Sabi mo fifteen years na kayong magkakaibigan at ganon talaga siya.

Nagugulat pa ba kayo sa pagiging “nega” niya?

Fifteen years ago, ganon na rin naman ang treatment ninyo sa kanya, aminin…?

Imbes na kausapin ninyo siya, intindihin, tanungin bakit ganun sya ano bang ginawa ninyong mga hitad na mababait na kaibigan?!

Ine-exclude ninyo sya sa pagkikita n’yo ngayon? Kayo kayo ang nagsasama, nagsasaya tapos ano, sya ang topic ng usapan ninyo? And you said kaibigan ninyo siya?

Oh…umamin kayo!! Di ba pinag-uusapan ninyo kung gaano kapangit ang ugali niya at gaano naaapektuhan yang mga magaganda ninyong pag uugali at katayuan sa buhay?

Ngayon sino ang may pagkukulang?

Siya ba na may masamang ugali na obviously ay may bitterness sa buhay na di maresolve-resolve o kayong mabubuting kaibigan na nagsasama-sama para hindi mahawaan ng pagkanega nya?

Tapos mega reaction paper kayo na sinisiraan niya kayo? Sya ba ang nanira sa mga itinuturing niyang friends o siya ang hindi tinulungang mabuo ng kanyang mga old frienda.

Ikaw at ang mga mabubuti mong kaibigan ang makakasagot niyan…

May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Read more...