EO laban kontraktuwalisasyon, ilalabas na

INAASAHANG ilalabas na sa susunod na linggo ang Executive Order na magpapalawig sa pagbabawal ng labor contracting sa mga industriya at kumpanya sa buong bansa.

Nakatakda nang lagdaan ng Pangulo ang nasabing kautusan sa susunod na linggo.

Ang EO na ginawa ng mga labor groups ay sinang-ayunan naman ng management group.

Target ng DOLE na gawing regular ang nasa 300,000 kontraktuwal na manggagawa ngayong taon.

Para maabot ang target na ito at mapabilis ang pag-regular,kinakailanbang magbaba ng kautusan sa lahat ng regional offices upang makuha sa mga kumpanya sa buong bansa ang listahan ng mga empleyado at mga responsibilidad nila sa trabaho.

Dapat ring magsumite sila ng programa para sa regularisasyon.”

Sa pamamagitan ng pinaigting na inspeksyon at voluntary regularization ng mga nakikiisang establisyamento ,tiyak na mas maraming manggagawa ang magkakaroon ng regular na manggagawa.

Sa ngayon, mayroong 541 Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) ang nagsasagawa ng assessment at inspeksyon sa nasa 937,554 small, medium at malalaking kumpanya sa buong bansa.

Dagdag pa rito ang 55 social partner na kinabibilangan ng 45 labor groups, limang employers’ group, at lima pang ibang organisasyon na sinanay para sa kaalaman sa Labor Laws at Social Legislation.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...