Young actor, male celebrity lasenggo, showdown sa walwalan

MARAMING nagkukumpara sa isang guwapong young actor at sa isang kontrobersiyal na aktor. Meron kasi silang ipinagkakapareho. Mahilig silang magnomo-nomo, walwalan ang kanilang hilig, na nakakaapekto na sa kanilang career.

Berdaderong lasenggo na ang kontrobersiyal na aktor, ang guwapong young actor naman ay medyo matagal-tagal na rin sa pagmamam, kung sarili niya ang sinisira ng kontrobersiyal na aktor ay ang kanyang career naman ang napupuruhan sa pagwawalwal ng guwapong young actor.

“Ano kaya kung mag-one-on-one sila sa pagwawalwal? Sino kaya ang mas matibay sa kanilang dalawa?

Sino kaya ang unang tutumba? Matalo kaya ng mas experienced na male personality ang guwapong bagets?

“Pero palagay ko, e, tatagal nang todo ang contest dahil pareho silang matibay sa inuman. ‘Yun nga lang, baka may kung anong mangyari dahil palaging war freak ang controversial actor na ‘yun!

“Baka bigla niyang sabihin, ‘I’m gonna kill someone tonight!’ Patay kang bata ka! Baka bigla na lang niyang hatawin ang guwapong bagets!” tawanan nang tawanan ang isang grupong nagpipista tungkol sa dalawang walwaling lalaking personalidad.

Madalas nakikitang nakikipagwalwalan ngayon ang young actor, marami kasi siyang katropa, mahilig sa pakikipagbarkada ang guwapong bagets.

“Mas gusto pa nga niyang kasama ang mga katropa niya kesa sa girlfriend niya, e. Kung anu-ano ang idinadahilan niya kapag niyayaya siyang lumabas ng girlfriend niya, pero kapag ang mga barkada na niya ang nagyayaya sa kanyang mag-bar, e, mabilis pa siya sa alas kuwatro!

Kuwento uli ng aming impormante, “Alam n’yo bang inspiration ng bagets na ‘yun ang pagwawalwal? Kapag may trabaho siya, e, makikita mong inspired siya, kasi nga, pagkatapos ng work niya, e, magkikita-kita na sila ng mga katropa niya!

“Pero dahil hindi pa nga niya carry ang sobrang pagmamam, ano ang nangyayari? Bumabagsak siya, hindi siya makabangon para mag-report sa trabaho niya, kaya ayun, pack-up ang trabaho nila!

“Huwag naman sanang magpakalulong sa pag-inom ang bagets na ‘yun, nakapanghihinayang siya, napakabata pa niya para magkasakit nang dahil sa sobrang pagmamam niya!

“Nagkulay red ang hasang niya sa pag-inom, pero paano naman ang health niya, tantanan na sana niya ang bisyong ‘yun na walang magandang nagagawa sa buhay at career niya!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, may kailangan pa bang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga starring sa ating kuwento.

Read more...