Video nina James at Sarah pinagpiyestahan sa socmed

SARAH GERONIMO AT JAMES REID

BUMULAGA sa Twitter at Instgram ang video ni Sarah Geronimo sa shooting ng movie nila ni James Reid na “Miss Granny: 20 Again” na galing mismo sa Viva. Retro ang hitsura ni SG sa role niya dahil sa suot na damit at estilo ng buhok habang kumakanta.

Nang mag-pan ang camera, ipinakita naman si James sa nasabing eksena habang naggigitara, huh!
Walang detalye kung kelan kinunan ang eksenang ‘yon. Pero tanong ng entizens, kung umapir ang young actor sa shooting ng pelikula ni Sarah, anong rason niya sa absence sa shoot ng movie nila ni Nadine?

Read more...