Alden pinakilig ang mga Pinoy sa Australia: Si Maine pa rin ang gusto kong maka-loveteam!!!

ALDEN RICHARDS

BUHAY na buhay hanggang Australia ang AlDub Nation! Nasa Sydney ngayon si Alden Richards para sa kanyang show ngayong Sabado kasama si Betong Sumaya.

First time ng Pambansang Bae sa Land Down Under kaya naman sa unang activity niya pagdating doon ay sumalang sila ni Betong sa isang press conference para sa local press.

Sa isang video na lumabas sa Twitter, mula sa isang grupo ng fans, natanong si Alden kung sino pa ang gusto niyang makasamang artista sa TV at movies. Biro ang una niyang tugon – si Nicole Kidman daw ang gusto niyang makapareha. Australian kasi si Kidman bago nakilala sa Hollywood movies.

Pero agad din niya itong sinundan ng sagot na, “Si Maine (Mendoza)!” Hiyawan at palakpakan ang ADN na nasa presscon.

Kahit kasi wala pang detalye kung ano ang next TV at movie ni Alden, wala pa ring linaw kung muli silang pagsasamahin ni Meng. ‘Yung napabalitang action movie na gagawin daw ng dalawa ay chika pa lang hanggang ngayon dahil wala pa nga itong confirmation.

Kaya naman patuloy na nagdarasal ang AlDub Nation para sa reunion movie nina Maine at Alden.

Read more...