Tren ng MRT nasira mga pasahero pinababa

 

MRT

Pinababa ang daan-daang pasahero ng Metro Rail Transit 3 ng masira ang isang tren nito kaninan umaga.
Nagkaroon ng technical problem ang tren alas-9:21 ng umaga dahil sa signaling malfunction.
Pinababa ang may 900 pasahero sa Santolan Anapolis station south bound. Nakipagsiksikan naman ang mga ito sa kasunod na tren.
Noong Lunes ay dalawang beses nasira ang tren ng MRT. Una noong 5:09 ng umaga at pinababa ang mga pasahero sa GMA Kamuning station south bound.
Nasundan ito ng alas-6:41 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa Boni Avenue station south bound.

Read more...