Para sa may kaarawan ngayon: Kung makatatanggap ka sa araw na ito ng regalo na kulay red o kaya’y nakabalot sa kulay pulang wrapper tiyak ang magaganap sa buong taong 2018 susuwertehin ka sa career, sa salapi at sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 8, 12, 24, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas din.
Aries – (Marso 21-April 19) —Basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy-tuloy ka ng uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, lalong lalakas ang karisma kung laging magsasasama sa kaibigang Scorpio. Mapalad ang 2, 10, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arali-Ibulagdi.” Green at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa taong ito ng 2018 piliting makaipon ng maraming pera para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag handaan na ang pagdating ng isang kasuyong Virgo. Mapalad ang 1, 10, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Maawa ka naman matagal na siyang umaasa sa iyo. Pautangin na ang mga kaibigang noon pa sa iyo nanghihiram ng pera pero palagi mong tinatanggihan. Mapalad ang 1, 14, 23, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja-Om”. White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) —Malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang hindi inaasahang matatanggap. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Isipin mo na lang darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang wag masira ang relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May dagdag na salapi na matatanggap sa araw na ito. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na kung paano paliligayahin ng hindi masyadong magastos ang kasuyo sa darating na Araw ng mga Puso. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —Nanlalamig ang kasuyo painitin siya sa pamamagitan ng romansa, sipagan pang lalo ang pakikipagniig. Sa pinansyal, habang umiigting ang libido lalo namang lalago ang kabuhayan. Mapalad 3, 18, 27, 37, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, wag sayangin ang salapi sa mga taong hindi mo naman masyadong kakilala. Mas mainam kung higit mong ipapriority ang iyong mga kadugo at kapamilya. Mapalad ang 3, 18, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit walang gaanong pera, sa panahon ngayon mas mainam na panatiliin ang pagiging mabuti. Kapag may malinis kang puso mas maraming grasya at biyaya ang biglaang darating. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi dapat mamahinga ubusin ang araw at oras sa pagta-trabaho. Sa ganyang paraan lalo kang uunlad hanggang sa marating mo ang matagal mo ng pangarap na pagyaman. Sa pag-ibig muling kalingain ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 9, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa pinansyal, sa buwan ng Pebrero hanggang Marso magsisimula ng umangat ang kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon pa lang iplano na ang Valentine date. Muling balikan ang mga lugar na una nyo nang pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang samasama at nagmamahalang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at pink ang buenas.