Claudine: Oo, nakikipagkita ako sa psychiatrist, she’s also my sister!


PROUD na proud na ibinandera ni Claudine Barretto sa buong mundo na patuloy siyang nakikipagkita sa kanyang psychiatrist – isang katotohanan daw na hindi niya ikinahihiya.

Nagpasalamat ang aktres sa kanyang doktor na tinawag ding niyang “mentor” at “sister”. Sa kanyang Instagram account kahapon, ipinost ni Claudine ang litrato nila ng kanyang psychiatrist na siyang tumutulong sa kanya para mas ma-appreciate niya ang buhay.

“Yes I do see a Psychiatrist! I’m Proud to have my Doctor/Mentor/sister as my Doctor. Thank u Doc Babes I luv & look forward talking & seeing & bonding with u. Through my ups & Downs your words of wisdom, Compassion & luv keeps me going. I?m PROUD to be your Patient, (sic)” ang caption niya sa IG photo.

Read more...