Mark, Jennylyn nagkabalikan; bibida sa ‘The Cure’


MULA Ika-6 Na Utos, hanggang Impostora at Haplos, ay nakatutok ang mga Kapuso viewers kaya naman winner na winner pa rin sa ratings game ang Afternoon Prime ng GMA.

Hindi matinag-tinag ang pamamayagpag ng mga Kapuso afternoon shows sa ratings dahil kahit tapatan ng mga bagong paandar ng kabilang network ay hindi pa rin natatalo ang mga ito.

Iba talaga ang kamandag nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) ng Ika-6 Na Utos, Rosette at Nimfa (Kris Bernal) ng Impostora at nina Lucille (Thea Tolentino) at Angela (Sanya Lopez) ng Haplos.

Nagsanib-pwersa ang mga pambatong leading lady ng Kapuso sa hapon para mabigyan ng bonggang “triple threat” ang mga manonood sa buong mundo mula Lunes hanggang Biyernes!

q q q

Sa mga litratong naglabasan sa social media kamakailan na ipinost ng direktor na si Mark Reyes, star-studded ang cast ng upcoming show niya sa GMA 7, ang The Cure.

Ito’y pagbibidahan nina Tom Rodriguez, Mark Herras at Jennlyn Mercado. Ka-join din sa casy sina LJ Reyes, Ken Chan, Arra San Agustin at Jaclyn Jose.

Ito rin ang magsisilbing reunion nina Mark at Jen sa teleserye na huling napanood sa Kapuso series na Rhodora X noong 2014. Last year, nagkasama muli ang dalawa sa isang special episode ng Dear Uge.

Wala pang detalye tungkol sa tema at kuwento nito, pero sumugod agad ang netizens sa comments section dahil excited sila sa new project ni Mark.

Kakatapos lang ng My Korean Jagiya ay meron na uli siyang bagong show. Ang tanong ng mga netizen, sasabak na kaya ulit si Direk Mark sa heavy drama? Ano kaya ang konsepto ng proyektong ito? Sa title pa lang ay nakakaintriga na.

Read more...