CCT ng isang pamilya lilimitahan sa 5 taon

  Inaprubahan ng House committee on poverty alleviation ang panukala upang limitahan sa limang taon ang pakinabang ng isang pamilya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
    Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang kuwalipikadong pamilya ay makatatanggap ng P500 kada buwan na para sa health and nutrition expenses o P6,000 kada buwan.
    Hanggang tatlong anak naman ang bibigyan ng P300 kada buwang educational expenses kung naka-enroll ang mga ito sa day-care, kindergarten, elementary, P500 kada buwan kung naka-enroll sa high school.
    Ang listahan ng benepisyaryo ay susuriin ng Department of Social Welfare and Development kada tatlong taon.
    Magtatayo rin ng Local Verification Committee sa bawat munisipyo at siyudad upang linisin ang listahan ng mga makikinabang sa programa.
    Ang sinumang magsasabwatan para maipasok sa listahan ang mga hindi kuwalipikado ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan at pagmumultahin ng P10,000 hanggang P20,000.

Read more...