Ronnie natabunan nina Donny Pangilinan at Ricci Rivero


ANG lakas-lakas din pala ng appeal ng Dela Salle player na si Ricci Rivero.

Hindi ito nagpatalbog sa tikas at gandang lalaki nang mga nakasabay niyang guest nu’ng Linggo sa Gandang Gabi Vice tulad nina Ronnie Alonte at Donny Pangilinan.

Hindi na kami magugulat kung agad-agad itong ikontrata ng ABS-CBN dahil kumpletos-rekados nga ang packaging ng binata. Matangkad, Pinoy na Pinoy, hunk and at a very young age, maayos namang magsalita.

Nakita namin sa kanya ang very natural charm ng noo’y mga morenong aktor na hayop ang sex appeal gaya na lang ni Richard Gomez.

Bongga rin ang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny kaya kung papasukin din nito ang pag-arte aside from being a VJ, ay kinakailangan lang nitong sabayan ang pagkakaroon ng matikas na pangangatawan ni Ricci. Sa totoo lang, para silang kambal sa kaguwapuhan.

Hmmmm, feeling tuloy namin biglang natabunan ng dalawang binata si Ronnie. Ha-hahaha!

Read more...