Anak ng kilalang celebrity na-in love kay JC


NAKATANGGAP kami ng reaksyon mula sa ilang mga kaibigan namin sa produksyon na nakatrabaho ni JC Santos sa iba’t ibang proyekto.

Yes, may kinalaman pa rin ito sa paratang kay JC ng kanyang ex-GF na isa siyang manloloko. Naloka kami sa istoryang ipinaabot sa amin na may pinanggagalingan daw talaga ang naging akusasyon sa aktor.

“Basta ang nasaksihan ng aming mga katrabaho, naging extra special ang pakikitungo ni JC sa ilang staff ng production, lalo na sa mga babae. Kapansin-pansin na rito ang isang mas maganda pa sa artistang staff na dati’y napapakiusapan niyang magtimpla ng kape, hanggang sa ano na,” bitin na sabi ng aming source.

May nagkuwento naman na iba pang nakatrabaho ni JC sa ibang projects na sadya lang daw malambing at very vulnerable ang binata sa mga “working students” na nakakasama niya.

Sa lahat naman ng narinig namin, pinakanagmarka ang kuwento hinggil sa anak ng isang kilalang celebrity na diumano’y mabilis na na-in love sa gwapo at kulot na aktor.

Wow, kakaiba pala talaga ang kamandag ni JC kapatid na Ervin at mga Ka-BANDERA! Maramdaman din kaya natin ang kakaibang karisma ng aktor once na mapanood na natin ang bagong movie niyang “Mr. & Mrs. Cruz” with Ryza Cenon?

Read more...