Desiree, Boom nagpakasal na sa Amerika

IKINASAL na sina Desiree del Valle at Boom Labrusca sa isang private ceremony sa Amerika last Monday.

Ginanap ang wedding sa isang lugar kung saan matatanaw ang napakagandang South Lake Tahoe sa California.

Ipinost ni Boom sa Instagram ang isang wedding picture nila ni Desiree na may caption na: “Road to forever 01 14 18 Mr. & Mrs. Labrusca Lord thank you for everything.”

Limang taong naging magkarelasyon sina Desiree at Boom bago sila nagpakasal. Nag-propose ang aktor noong July, 2015. Nang sumunod na taon (December, 2016) pormal nang namanhikan si Boom sa mga magulang ng Kapamilya actress na naka-base na sa US.

 

Read more...