Kris ibinandera ang sikreto ng pagiging winner


MASAMA ang pakiramdam ni Kris Aquino nitong Lunes kaya hindi masiguro ng Team KCAP kung makakadalo ang Queen of All Media sa ginanap na 2018 PeopleAsia’s People of the Year awards night na ginanap kagabi sa Sofitel Philippine Plaza Manila’s Grand Ballroom.

Nagbakasali pa rin ang staff ni Kris kaya inihanda pa rin ang damit na isusuot nioto na gawa ni Roland Mouret.

Maaga namang nagbigay ng go signal ang Social Media Queen na tutuloy sila sa event kahit na hindi pa rin okay ang kanyang pakiramdam.

Si Bimby ang naging escort ni Kris sa awards night suot ang Barong Tagalog na gawa ni Bang Pineda.

Ang parangal ay taunang ibinibigay ng PeopleAsia sa mga kilalang personalidad na nagsikap para maabot ang kanilang mga pangarap at nakilala sa iba’t ibang larangan.

“Our annual People of the Year awards is a tradition we started 12 years ago to recognize and honor these exceptional men and women whose achievements not only encourage but empower,” mensahe ng PeopleAsia publisher, president at CEO na si Babe Romualdez.

Matatandaang naging cover ng December 2017-January 2018 issue ng Stargate PeopleAsia Magazine si Kris. Dito niya inamin ang naudlot na pagpapakasal nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pagkakuha ng kanyang award ay nag-post na si Kris ng kanyang litrato sa kanyang Instagram kasama si Bimby, “Headed home – they are just buying take out because nobody has eaten yet. W/ no heels – this is our true height disparity (halos magkasing taas na sila ni Bimby).

“Tonight, I forced myself to go to Sofitel for #peopleasia2017awarding ceremony because it was my way of showing all of you that NOT GIVING UP is what makes you a winner,” mensahe pa ni Kris.

Read more...