Juday kay Angelica: Para siyang flower mabango sa umaga, bumabaho sa gabi!

JUDY ANN SANTOS AT ANGELICA PANGANIBAN

IKINUMPARA ni Judy Ann Santos sa isang bulaklak si Angelica Panganiban.

First time magsasama ang dalawa sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” directed by Jun Lana, mula sa Star Cinema, Quantum Films at IdeaFirst Company at dahil dito, mas naging close sila sa isa’t isa kaya mahihirapan silang maka-get over ngayong tapos na ang nasabing proyekto.

Sabi nga ni Angelica sa nakaraang presscon ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na showing na ngayong araw, parang ayaw na niyang matapos ang shooting nila ni Juday, “Kung pwede ngang nagsu-shooting kami palagi. Parang grabe yung separation anxiety, baka mapadalas ako sa South, sa bahay niya. ‘Ate, dito muna ako. Patambay.’ Ganu’n.

“Parang di ko yata kakayanin. Kasi siyempre ang tagal naming ginawa yung movie. I believe naka-build ako ng deeper friendship yung talagang ite-treasure mo palagi, forever, ganyan,” sey ng tinaguriang Hugot Queen.

Hirit naman ni Juday, “Matagal na kaming magkaibigan nito ni Angelica. Actually, baby-baby ko ito noong baby pa siya, noong little girl pa siya. Kumbaga, sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, nag-mature siya nang bongga, but in a very nice way. It strengthened her.

“Lahat na ng wisdom na puwedeng makuha ng kabaklaan na kay Angelica. Kabaklaaan encyclopedia ito, e! Even before, when she was a little girl, hindi talaga siya mausap na tao.

“And then she blossomed into a beautiful flower. Pero pag gabi, bumabaho. Nalalanta pag gabi,” natawang biro ni Juday. “Pero napaganda siya nu’n, napaganda yung career niya, napaganda yung tingin niya sa buhay. Career woman na ito ngayon and I’m so happy for her,” chika ni Juday.

 

Read more...