81-anyos na Mayon evacuee, namatay sa evacuation center

Namatay ang isang 81-anyos na lalaking kabilang sa libu-libong lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Mayon Volcano, habang nasa evacuation center sa Tabaco City, Albay, Martes, ayon sa pulisya.
Natagpuan na lang na walang buhay si Teodolo Precia sa Mayon Elementary School ng Brgy. Buang, dakong alas-5, sabi ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay provincial police.
Kabilang si Precia sa mga residente ng Purok 1, Brgy. Buang, na nakikisilong sa naturang paaralan upang di madisgrasya sa posibleng pagsabog ng bulkan, aniya.
Pinaniniwalaang katandaan ang ikinasawi ni Precia, ani Gomez.
Nakalagak ngayon ang mga labi ng matanda sa Purok 3 ng Brgy. Buang.

Read more...