Libo-libo pang residente lumikas sa harap ng napipintong pagsabog ng Mayon Volcano

UMABOT na sa mahigit 20,000 katao ang inilikas sa harap ng patuloy na pag-agos ng lava mula sa Mayon Volcano.

Umabot na sa kabuuang 5,318 pamilya o 21,823 indibidwal ang apektado sa 25 barangay sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Ligao City, Daraga, Tabaco City, at Malilipot na pawang matatagpuan sa Albay.

Kasalukuyan silang nanunuluyan sa 18 evacuation center, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ni Mina Marasigan, NDRRMC spokesperson, suspendido pa rin ang mga klase sa naturang lugar matapos namang gawing mga evacuation center.

Nakataas pa rin ang alert level 3 sa Mayon Volcano, sabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“That it is currently in a relatively high level of unrest as magma is at the crater and hazardous eruption is possible within weeks or days,” sabi ni Marasigan.

Read more...